Catcalling SEKSWAL AT STREET HARASSMENT

Paano kung habang dumadaan ka dito may sisigaw sayo, isang tinig na pamilyar sa'yo? 

Tatatawagin kang "Miss Beautiful" o di' kaya "Uy, ang ganda mo naman. " o "Sexy mo naman."

Ano kaya ang mararamdaman mo?

Hindi ka ba matatakot? Kakabahan? Magugulat? Magagalit? 

Isang taong di mo kilala, bigla bigla kang sasabihan ng ganun? 

Maayos naman suot mo. Hindi ka naman nagpapahiwatig ng kahit ano. Wala ka namang ginagawa, naglalakad ka lang. 

Tatawid ka na nga lang, mababastos ka pa. Ano ba itong naranasan mo? 

Bakit ba nangyayari ito? 

Ito ay pambabastos. Ito ay sexual at street harassment.

Ito ay CATCALLING. 

Ang sexual harassment sa mga pampublikong lugar ay ang pagkakaroon ng mga hindi ginagigiliwang komento o kilos na sapilitang ginawa ng mga taong hindi kilala ng biktima nang direkta at walang paalam dahil sa aktwal o inaakalang kasarian, ekspresyon ng kanilang kasarian o ang sekswal na orientasyon ng isang tao.

Ang cat calling ay maituturing na harassment dahil ito ay agresibo at sekswal na paghihimasok sa emosyonal na espesyo ng isang tao.

Sa siyudad ng Maynila, isang pangkaraniwang pangyayari na makaranas ng "catcalls" o ang pagkuha ng atensyon mula sa mga taong hindi kilala (karaniwan ay mga lalaki) habang nasa daan. Ito ay karaniwang nasa anyo ng pagsipol sa iyong pagkadaan o sa pagsabi ng mga salitang: "Hi, sexy!", "Hi, miss beautiful!", "Smile ka naman d'yan, miss" at iba pa.

Ang mga nambibiktima o nambabastos ay madalas mga sinisisi ang mga babae o biktima dahil sa kanilang pananamit ng “sexy” o nakakapukaw ng atensyon. Ngunit may mga nabiktima na ng catcalling kahit ang kanyang pananamit ay maayos o disente. Ibig sabihin na walang pinipiling uri ng kasuotan ang mga nambabastos.

Ito ay madalas sa paraang berbal at nagkakaiba lamang sa kung ay sinasabihan ng mga compliment.

Maaring mga komentong may sekswal na tono, paninipol ang mga uri nito. Ang mga komento ay maaring ukol sa pananamit (hal. Kung nakasuot ba ng shorts, tshirt, sando, mga hapit na pananamit at iba pa) o sa katawan ng biktima (hal. kutis, paa, dibdib, mukha at iba pa.)

Maraming nagsasabi ang mga salitang tulad ng “I like your hair”, Hi miss beautiful.", "Hi, sexy.", "Wow legs!", "I love you, miss!"

Ito ay mga compliment ngunit ang mga mahalay at bulgar na sinisigaw ng mga lalaki sa mga babaeng hindi nila kilala ay patunay o halimbawa ng harassment

Ito ay nararanasan din sa paraan ng paninipol, o pagsutsot

Ito ang catcalling at hindi ito nakakatuwa o nakakabuti.

Ito ay NAKAKABASTOS.

Tatlo mula sa limang babae nasa edad 18-24 years old ay nakakaranas ng sexual harassment. (Sun Star Manila)

Karamihan ay nakaranas ng catcalling sa paraan ng paninipol at pagbibigay ng komento (hal. Hi Ganda)

Sa lungsod pa lamang ng Quezon tatlo sa bawat limang babae ay nabastos na kahit isang beses lamang sa kanilang buhay. (SWS Survey, 2016)

Anim na pu’t limang porsyento o 33 tagapanayam ay nakaranas na ng catcalling.

Sa bilang na ito, marami ay kababaihan at parte ng LGBT community, walang naiulat na lalaki ang nakaranas na ng catcalling. (Sarbey ng grupo)

Nagdaos ng pag-aaral ang Stop Street Harassment Organization sa Estados Unidos kung saan isa sa bawat apat na lalaki ay nakakaranas rin ng street harassment ngunit ang bilang na ito ay mas maliit pa rin kung ikukumpara sa dami ng babaeng nakakaranas nito.

Kahit nakakaranas ang kalalakihan ng cat-calling o kahit anong sexual harassment, iba pa rin ang kanilang nagiging tugon dito.

Tatlo sa limang lalaki ay umamin na sila ay nakagawa na ng sexual harassment kahit isang beses sa kanilang buhay. At isa sa bawat pitong lalaki ay nakakagawa ng sexual harassment araw-araw sa isang taon. (SWS Survey)

Sa Europe, isang pag-aaral noong 2013 ay sinarbey ang 93,000 indibidwal na bahagi ng komunidad ng LGBQT. Kalahati ng mga indibidwal ay umiiwas sa mga pampublikong lugar tulad ng kainan, pampublikong transportasyon, kalye, at mga parke para makaiwas o hindi makaranas ng street harassment.

57% ng mga taong parte ng LGBT na bahagi ng pag-aaral ay nakaranas ng street harassment sa paraang berba. (Stop Street Harassment Survey, 2014)

At dahil dito, ano nga ba ang magagawa mo para maiwasan, at sakaling matigil na ang gawaing ito?

Paano ka tutugon sa pagtigil ng catcalling?

Nagtulungan ang United Nations Entity for Gender Equality and the Empowerment of Women (UN Women) at ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon upang maisagawa ang labing walong araw na kampanya upang matigil ang street harassment at sexual violence laban sa kababaihan sa pampublikong lugar.

Tinawag itong Safe Cities Metro Manila Program, kung saan kasama ng Metro Manila ang dalawangpu’t tatlo pang ibang mga lungsod sa adbokasiya ng Safe Cities Global Initiative o SCGI na may temang “How safe are women in our city streets?”

Ang aktres na si Glaiza De Castro ay isa sa mga nanguna sa kampanyang ito kasabay ng iba’t ibang personalidad at mga mamamayang Pilipino na sumusuporta sa Safe Cities Metro Manila Program.

Ang kampanya ay sinamahan ng hashtag na #FreeFromFear na kumalat sa social media tulad ng Facebook at Twitter

Regular na nagpopost ang Safe Cities Metro Manila Programme sa kanilang Facebook page at Twitter ng mga impormasyon ukol dito tulad ng statistics, mga karanasan ng mga biktima ng street harassment o cat calling, mga maaring tugon kapag nakaranas ng cat calling at marami pang iba.

Mica Cruz isang photographer ay nagpost sa Facebook ng isang infographic tungkol sa street harassment at cat calling. Naglalaman ang nasabing infographic ng kung ano ang cat-calling at mga maaring tugon upang labanan ito.

Ikaw, anong magagawa mo?

Makapagbigay ng tama at magagamit na impormasyon tungkol sa cat-calling sa daan bilang sexual harassment at kung gaano ito kapanganib

Mamulat ang mamamayang Pilipino lalo na ang mga kababaihan at kabataan tungkol sa cat-calling

Maibahagi ang mga paraan kung paano makakaiwas sa cat-calling at kung ano ang maaring gawing pagtugon kapag nakaranas o nakasaksi nito.

Sa kapwa; ay magiging mulat sila sa kung paano nangyayari ang pambabastos at kung ano ang maaring maging tugon laban dito.

Sa lipunan; upang maipaalam ang talamak na pambabastos hindi lamang sa kababaihan o kalalakihan pati na rin sa LGBT community.

Sa guro; mapalawak ang kaalaman nila ukol sa pambabastos. Bilang guro ay maari silang maging gabay o makatulong para maayos ang maging tugon sa isyung ito.

Made with Adobe Slate

Make your words and images move.

Get Slate

Report Abuse

If you feel that this video content violates the Adobe Terms of Use, you may report this content by filling out this quick form.

To report a Copyright Violation, please follow Section 17 in the Terms of Use.