Experimento ng isang Pinoy na mag aaral isinagawa sa International Space Station (ISS)
Isa sa mga napili sa ginanap na Asian Try Zero Gravity (ATZG) taong 2022 ang experiment proposal ng isang pilipinong mag aaral na si William Kevin Abran, isang mag aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos. Ayon dito, ang mapipiling 24 na experimento mula sa 201 na apilikante ay isasagawa sa International Space Station ng astronaut si Wakata Koichi. Taong 2023, ika-17 ng hunyo nang isagawa ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA).
Ang experimento ni William Kevin Abram na “Rotation of Dumbbell-shaped Objects in Space”, sinabi ni Abran sa isang livestream ng JAXA na isang karangalan para sa kaniya ang isagawa ang kanyang experimento sa ISS lalo na’t ipinakita ng experimentong ito ang inaasahan nitong pag galaw, hindi man gaanong halata ang tinatawag na Dzhanibekov effect o dancing screw motion. Ayon sa PhilSA, ang resulta ng eksperimento ni Ginoong Abran ay makakatulong sa mga disenyo ng spacecraft at mag-aalok ng totoong buhay na halimbawa na nagpapatunay sa bisa ng Newton's Laws of Motion at Ehrenfest Theorem sa microgravity."
Dahil dito, muling pinatunayan na ang mga Pilipino ay hindi lamang kilala dahil sa ating mga kaakit-akit at magagandang kultura ngunit mga Pilipinong may ibubuga rin sa larangan ng agham.
Credits:
NASA