Loading

ISPORTS

Mainit na Harapan ng DLSU kontra FEU sa larangan ng VOLLEYBALL

Umpisa pa lamang ng laban, lumiliyab na ang bola dahil sa mainit na palitan ng magkabilang panig na tila ayaw magbigay ng pagkakataong makuha ng kabilang panig ang unang puntos. Nang makakita ang De La Salle University ng magandang anggulo, agad nilang pinabulusok ang tila nag-aapoy na bola upang makuha ang unang puntos.

Sa pag-papatuloy ng mainit nalabanan, hindi na binitawan ng Lady Spikers ang pagiging lamang sa puntos. Hindi naman nag pasindak ang Far Eastern University nang maiwan ang kanilang iskor, kung kaya naman nakipagpalitan sila ng puntos ngunit ito'y hindi naging sapat upang magwagi sa unang set ng laban.

Larawan mula sa Philstar

Sa ikalawang sagupaan ipinadama ng De La Salle Lady Spikers ang kanilang liksi at lakas kung kayat muli ay nakamit nila ang tagumpay sa ikalawang set ng laban. Mala-pader na dipensa naman ang ipinakita ng FEU Lady Tamaraw upang mapigilan ang bumubulusok na bola ng DLSU na sinabayan din nila ng diskarte at lakas.Ngunit hindi naging sapat ang depensa upang matalo ang De La Salle dahil mahirap hanapan ng kahinaan ang DLSU. Wala ng magawa ang FEU upang sabayan ang diskarte ng De La Salle. Humingi ng time-out ang kupunan ng FEU at sa kanilang pagbalik sa court sinunod nila ang plano ng kanilang coach na naging epektibo man subalit mabilis nabaliktad ng DLSU ang laban.

Sa ikatlong laban pinataob ng kupunang De La Salle ang Far Eastern University sa mainit na sagupang na may ka buong 25-21. Inuwi ng De La Salle University ang tagumpay na pinangunahan nina Mars Alba at Thea Gagate gamit ang naglalagablab na kombinasyong quickset at palo na nag tala ng puntos na 25-16, 25-18, 25-21 na naging dahilan ng kanilang pagkapanalo.

Created By
Lester Baltazar
Appreciate