Loading

EDITORYAL

Napili ang eksperimento ng mag- aaral ng UP upang subukan sa INTERNATIONAL SPACE STATION (ISS).

Nakuhang larawan mula kay William Kevin Abran

Makalipas ang isang taon, ang eksperimento ng mag-aaral na si William Kevin Abran ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los BaƱos na may kursong Applied Physics ay napili mula sa halos 200 na lumahok sa iba't-ibang panig ng mundo sa ginanap na 2022 Asian Try Zero-G ng JAXA o Japan Aerospace Exploration Agency noong Enero 17.

Sa kalalabasan ng eksperimento, inoobserbahan ang magiging pag-ikot sa outer space ng isang bagay na may shape na dumb bell. Ayon kay Abran, "Ipinakita namin itong shape na 'to, itong dumb bell, ay stable naman at hindi siya mag ta-tumbling kapag pina-ikot sa space".

Nakuhang larawan mula kay William Kevin Abran.

Ang eksperimento ay isinagawa kamakailan sa ISS o International Space Station ng isang astronot na si Koi Chia na tagumpay naman sa inaasahang hypothesis na pinamagatang Dzanibekov Effect. Napatunayan din ng kanyang eksperimento na posible ang stable na paggalaw ng object sa outer space.

Tunay na napakahusay ng gawang Pilipino, karapat-dapat itong suportahan upang matagumpay ang kalalabasan nito. Napaka-ganda ring ehemplo nito sa mga kabataan upang subukin nilang tuklasin ang kanilang mga nais pang malaman sa mga bagay-bagay na may kasamang galing at kakayahan sa asignaturang agham.

Created By
John Paul Ocampo
Appreciate